Pagkakaroon ng istasyon ng pulisya sa Mini City Hall, tututukan ng Pamahalaang Panlungsod

Pormal nang nanumpa si dating Konsehal Roy Ventura sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Barangay San Rafael lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay matapos siyang italaga ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron bilang mangangasiwa sa bagong tayo na Mini City Hall.

Itinayo ang bagong opisina ay upang hindi na tumungo pa ang mga mamamayan mula sa mga Barangay ng Manalo at Langogan sa Main City Hall na matatagpuan sa Barangay Sta. Monica.

Kasabay na inanunsiyo rin ni Mayor Bayron ang peace and order at ang pagpapatayo ng Police Station sa San Rafael para sa dagdag seguridad.

Inatasan na nito ang pamahalaan na i-demolish at sukatin kung kakasya ang kanilang desenyo sa dati nitong satellite clinic malapit sa National Highway upang masimulan na ang konstruksyon.

“Yung police station na iyan ay isang istasyon talaga ang sabi ni Police Col Roberto Bucad, nasa 36 na personnel ang itatalaga kaya hindi biro yong pagpapagawa ng building para sa ating mga kapulisan,” saad ni Bayron.

Exit mobile version