Miss Tourism Heritage Philippines 2023, isasagawa sa lalawigan ng Palawan

Organizers along with reigning queens of Miss Tourism Heritage 2023

Nakatakdang gawin ang Miss Tourism Heritage 2023 sa lalawigan ng Palawan matapos itong ianunsyo ng MTHP committee sa naging press conference kahapon, Oktubre 5, sa New Casamila By the Bay sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ang nasabing patimpalak na pinamumunuan ni Mr. Ronald Obnial, MTHP President CEO, VP for Sales and Marketing, Mr Earl Edward Baludio, Director for Women Empowerment, Dr. Federico Malubay at Administrator Francisco Millard Zabayle ay dadaluhan ng mahigit na 40 kandidata na magmumula sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao at inaasahan na darating sa susunod na buwan.
Sa pamamagitan ng Miss Tourism Heritage Philippines 2023 ay mabibigyang daan ang mga batang Filipina na tuparin ang kanilang mga pangarap, mapalalim ang kanilang sarili, at maging produktibong bahagi ng lipunan habang nagsisilbing tinig at mukha ng organisasyon.
Layunin din nito ang pagbibigay lakas sa mga kabataang babae na maging aktibong bahagi ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtatanggol sa kanilang mga natural at kultural na pook.
Samantala, magiging host naman ang bayan ng Bataraza Palawan sa mga photo shoots at isasagawa naman ang coronation night sa Desyembre 6, sa Puerto Princesa City.
Exit mobile version