Most Wanted Person ng Puerto Princesa City, arestado sa Taytay

Arestado sa Bayan ng Taytay ang Rank No. 1 ng Manhunt Charlie ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) kahapon, Nobyembre 27, 2020.

Sa ibinahaging impormasyon ng bagong tagapagsalita ng Palawan Police Provincial Office (PPO) na si PLtCol. June Rhian, ang nasabing Most Wanted Person ay nahuli sa Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan
dakong 7:30 pm kahapon.

Kinilala ang suspek na si Edison, 51 taong gulang, may asawa, electrician at residente ng nasabing lugar.

Inaresto siya ng joint personnel ng Taytay MPS, bilang lead Unit, kasama ang mga personnel ng Provincial Investigation Unit (PIU), PNP-Crime Investigation and Detection Group (CIDG), CIU at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa bisa ng ibinabang warrant of arrest ni RTC Branch 47 Presiding Judge Jocelyn Sundiang Dilig noon pang July 1, 2019 dahil sa krimeng Statutory Rape by sexual assault at four (4) counts ng Acts of lasciviousness. Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Taytay MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.

Exit mobile version