Motorista, patay matapos pumailalim sa trailer truck

Photo from jhung Dalumpines Cabilleda

Patay ang isang motorista matapos na mawalan ng kontrol sa manibela at pumailalim sa isang trailer truck sa Manalo extension. Pasado 9:30 P.M., Oktubre 14, ng mangyari ang aksidente.

Kinilala ang biktima na si Efren Gallego na residente ng Abad Santos St. Nakilala naman ang driver ng truck na si Gilbert Dela Cruz ng Bgy. Irawan. Ayon sa driver ng truck, katatapos lamang daw nilang maghakot ng mga container van sa pier at pauwi na ito ng mangyari ang aksidente.

“Mabagal lang naman po ang patakbo ko, ngaton, may tricycle sa unahan ko tapos nag over take ma ako pero walang sasakyan sa harap ko tapos bugla ko na lamang nakitabang motor na mag o-overtake din sakin.

Nakita ko na nag struggle siya bago bago pumailim sa truck,” saad ng driver.

Dahil sa may kahabaan ang trailer truck ay hindi raw agad makabig pakanan ni Dela Cruz ang trailer truck dahil nasasagi nya naman ang tricycle na nasa gilid niya. Nakita pa umano ng driver si Gallego na gumewang at nag-apply ng preno bago ito biglang pumasok sa ilalim ng truck. Dahil sa pagkakabigla ay agad naman daw nagpreno si Dela Cruz ngunit nasagasaan na nito ang motorista.

“Naramdaman ko pa nga po na nasagasaan ko siya pero huli na rin nang mag preno ako, wala na, patay na ang bata,” dagdag pa ni Dela Cruz.

Pagtapos ng pangyayari kusang loob namang sumuko ang driver ng truck sa mga tanod na nakaduty ng oras na iyon at agad din namang itinurn over sa Police Station 1.

Mensahe naman ni Dela Cruz sa mga kaanak ng biktima na sana ay patawarin siya dahil ang nangyari at pawang aksidente lamang raw. “Sana po mapatawag ako ng mga kaanak ng bata. Hindi ko naman ginusto yun talagang aksidente lang talaga ang nangyari. Patawarin niyo po ako,” saad niya.

Kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide with damage to property ang driver.

Exit mobile version