Motoristang guro na tinamaan ng itinapong balat ng mais, pinuri ng mga netizens

James Villon, isang motoristang guro na nagtuturo ng ALS sa lungsod ng Puerto Princesa.

Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang ginawang hakbang ng isang motoristang guro matapos na tumama sa kanya ang itinapong balat ng mais mula sa pasahero ng bus.

Nangyari ang insidente sa may kurbadang pababa sa Sitio San Carlos, Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City alas 5:23 ng hapon nitong Miyerkules na kung saan ay nagawa pa niyang maibalik ang basura sa bus matapos na habulin ito ng mahigit isang kilometro.

Ayon sa guro na si James Villon, sa panayam ng Palawan Daily News, magsilbing aral sana sa lahat na mga pasahero/biyahero ng anomang pampublikong sasakyan ang ginawa nyang hakbang at mamulat sila sa tamang pagtapon ng basura. Dapat umano ay hindi maulit pa ang parehong pangyayari dahil maaring magdulot ng di inaasahang aksidente sa kalsada.

Umaasa pa si Villon na magkakaron ng mga polisiya ang mga pampasaherong sasakyan upang maiwasan ang pagtapon ng basura na madalas nyang naoobserbahan bilang laman din ng kalsada sa maraming pagkakataon.

Exit mobile version