Netizens nagpahayag ng saloobin sa pagtaas ng pamasahe

Ngayong araw inaasahan na ilalalabas na ang taripa sa pagtataas ng pamahase sa lungsod. Inani naman ito ng samot-saring sentyemento ng mga netizens. Iba sa kanila sang-ayon dito, subalit madami ang nainis dahil na rin sa ibang mga tricycle driver na mataas at mahal na ang pag sisingil ng pamasahe bago pa man itong aprobahan ang pagtaas ng pamasahe.

Sa Facebook Group ng Batang Puerto Princesa, hati ang mga netizens ukol sa usaping ito.

Sabi ni Nitz Cabaylo na bago pa man magkaroon ng fare hike bente na ang singil ng mga drayber kahit magisa lang ang pasahero. Dagdag pa ni War Dolatre na nasanay na daw sya dahil sampo ang kanyang binabayad at hindi na raw ito sinusuklian.

Dagdag ni Eleanore G Pedernal , “Okay lang naman po..wag lang sobra at doble ang singil.”

Sabi naman sa Alfon Foncy Jaranilla Jr na malaking panglalamanang sa kapwa ito. “Malaking panglalamang sa kapwa iyan. Ginagawa nila Metro Manila P7 nga lang minimum rate na iyan per head kung magtataas man P1 lng ang idadagdag magiging P8 lAng at pasado sa LTFRB. Ano yan daig pa ang Metro Manila rate ng tricycle hahahhaha…”

“Matagal ng sampu ang pamasahe di naman nagbibigay ng barya ang mga driver. Ang dapat siguruhin na ipatutupad din ang 20% discount sa pwd, senior at estudyante. make sure na ready ang exact amount ng discounted na pasahe para walang dahilan na di sundin ang discount,” dagdag ni Maya Dueñas

Hindi naman daw lahat ng drayber ay makuhang pera sabi ni Camilla Angie.

“Okay lang po yan mga kabayan , ksi hindi naman lahat ng mga driver ay mukhang pera, nbibilang lang sa daliri ang mga mukhang pera na driver. Kasi asawa ko dati rin syang namamasada, madalas lalo na mga studyante pagkulang ang pera d na niya pinapabyad, hatid pa mismo sa harap nga bhay, at wala pang driver na yumaman s pamamasada. Tama lng sa araw araw at madalas kulang pa!”

Exit mobile version