One Palawan Movement hindi naniniwala na P1.9 bilyon lamang ang utang ng Provincial Government noong 2020

Pinasinungalingan ni Palawan Provincial Information Officer Winston Arzaga ang kumakalat umano na mga pulyeto at impormasyon sa social media na mayroong utang ang Pamahalaang Panlalawigan na P5.8 billion pesos. Wala umano itong katotohanan dahil nasa P1.9 billion lamang ang utang ayon sa Provincial Treasurer ng lalawigan.

“Kung mayroong isang tao na nakakaintindi at nakakaalam kung magkano ang utang ng probinsya, ito po yung ating Provincial Treasurer. Bakit? Kasi ang Provincial Treasurer isa yan sa pumipirma doon sa tseke na pambayad sa utang,”

“Sabi ko nga, ‘Mr. Mondragon (Provincial Treasurer) nakita mo ba itong ipinapakalat na pulyeto?’ Sabi niya sa akin ‘Inis na inis ako diyan. ‘Pag nakikita ko yan parang gusto ko sugurin sa radyo yan kasi maling-mali yan ang 5.8 (billion pesos na utang).’ ‘Magkano ang utang natin ngayon?’ ‘Nasa P1.9 billion as of December 30, 2020.’ Ang layo ng 1.9 sa 5.8, kita mo doon grabe ang disinformation,”

Mensahe ni Arzaga sa mga duda sa inilabas dokumento lalo na ang mga kritiko,

“Sabi ko nga [sa mga] kritiko pumunta kayo personal open naman ang opisina, pumunta at tanungin i-explain yan ng treasurer yan sa kanila.”

Sa panig naman ng One Palawan Movement, hindi umano sila naniniwala na P1.9 billion lamang ang utang ng Pamahalaang Panlalawigan at hinamon ang mga ito na ipaliwanag ang sinasaad ng COA na P5.8 billion ang utang ng Palawan.

“Baka puwede nilang ilabas kung paano nila binayaran yung utang na nasa website ng COA para mas malinaw hindi lang yung denial na salita lang kasi yung basehan namin its official figure [at] official number na inilalabas ng COA doon sa website at baka mas malaki pa yun sa ngayon kasi yung nakapaskil doon ay 2019 pa. Ngayon ay 2021 na so hindi yun updated, mas malaki pa siguro,” pahayag ni Cynthia Sumagaysay-Del Rosario ng One Palawan Movement.

Naniniwala rin umano si Del Rosario na ang inilabas na datos sa pagkakautang di umano ng tanggapan ng Ingat-Yaman ng lalawigan ay yung nais lamang ipakita sa publiko ng Provincial Government.

“Oo [hindi kami naniniwala], kasi kung kakampi nila o tao nila yung taga-treasurer na naglabas. Eh yung data na gusto nilang ilabas ang puwede nilang ipakita, ang treasurer ay tagalabas lamang ng pondo pero yung pag-assess sa kaperahan ng bayan COA yan, Commission on Audit yung trabaho na yan.”

Exit mobile version