Inaprubahan na sa Third and Final Reading ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang nagbabawal sa mga dadalaw sa persons deprived of liberty o PDL na magpasok ng mga kontrabando sa Puerto Princesa City Jail, Provincial Jail at iba pang temporary detention cell na nasa Lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay City Councilor Nesario Awat na siyang may akda ng ordinansa, kabilang sa mga kontrabando ay ang cellphone, alak, sigarilyo,kutsilyo,baril, iligal na droga tulad ng marijuana, shabu at maraming iba pa.
Ang mga lalabag naman sa ordinansa ay magmumulta ng P1000 sa unang paglabag P3000 sa ikalawang paglabag at P5000 sa ikatlong paglabag.
“Kung drugs dalawa ang magiging kaso niya ,number 1 is under the Comprehensive Dangerous Drug Act and second under the ordinance and then yung regular procedure under the law will have to be followed as far as sa pag-prosecute sa kanya dito sa Comprehensive Dangerous Drug Act,” dagdag pa ni Awat.
Kapag napirmahan na ni Mayor Lucilo Bayron at pagkatapos ng 15 araw na paglalathala sa isang pahayan ay magiging ganap na batas na ito sa Puerto Princesa City.
Magkagayunman, ipinauubaya na ni Awat sa pamunuan ng panlalawigang piita kung ito ba ay kanila ring ipinatutupad.