P5,000 bonus sa mga empleyado ng City Government, ibibigay na

Ibibigay na ng City Government sa susunod na Biyernes, ika-21 ng Disyembre, ang P5,000 bonus para sa mga kwalipikadong job order, contractual employees at barangay health workers o BHWs.

Sa Memorandum Order number 2018-326 na may petsang Disyembre 13, 2018, na pirmado ni City Administrator at Acting City Legal Officer Atty. Arnel Pedrosa, nakasaad na gaganapin ang pamamahagi ng bonus sa City Colisuem simula alas-otso ng umaga.

Sa memorandum, inaatasan ang lahat ng department heads at program managers na asikasuhin ang payroll ng mga empleyado nila para makakuha ng bonus.

Inutusan rin ang tanggapan ng City Budget Office, City Accountant Office at City Treasurer’d Office na kaagad aprubahan ang mga dokumento patungkol dito.

Exit mobile version