Handa na at sapat ang kapulisan ng Puerto Princesa City Police Office sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan 2023 (BSKE 2023).
Ayon kay Police Colonel Ronie Bacuel, City Director ng Puerto Princesa City Police Office, simula nang magsimula ang filing ng COC, tuloy-tuloy ang kanilang checkpoint hanggang sa kasalukuyan.
Mas lalo rin nilang pinaghahandaan ang halalan ng 2023, at sasapat ang kanilang mga personnel na itatalaga sa iba’t-ibang presinto upang magbantay sa seguridad ng mga mamamayan na boboto sa araw ng halalan.