Pagdiriwang ng “Kagueban 2018”, naging matagumpay

Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron nagbibigay ng mensahe sa Pista ng Kagueban. Larawan kuha ni Imee Austria.

PUERTO PRINCESA CITY – Naging matagumpay ang ika-28 taong “Pista’y ang Kagueban Tulong sa kalikasan, Tugon sa Pagbabago-Baging Klima.”

Isa ang Barangay Montible na napili upang pagtaniman ng iba’t ibang uri ng kahoy dahil ito ay kinikilalang “critical habitat” ng mga ibon ang lugar na pwedeng pasyalan sa mga mahihilig sa bird watching.

Sa pahayag ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo C. Bayron, tuloy-tuloy na ito kahit sino pa ang manungkulan dahil ang mamayan ng lungsod ng Puerto Princesa ay mainit na sumusuporta sa pagdiriwang ng Pista’ y ang Kagueban.

Tinatayang nasa 12,000 na mga puno ng kahoy ang itinanim ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaang panlungsod, mga mag-aaral at iba pa.

Ang Barangay Montible ay idineklara na ito ng Sannguniang Panlungsod na isa sa tourist spots at kinikilala ito na hot spot sa biodiversity sa mga ibon.

Dagdag pa ng alkalde, meron din international bird race photography. At ipinagdiriwang naman ang Puerto Princesa Underground River o PPUR kong saan maraming nakikilahok na mga ibat ibang bansa dahil sa palawan lamang may makikitang iba’t ibang uri ng mga ibon.

Tiniyak naman ng Alkalde matapos ang pagtatanim ay may nakatalaga naman na magmomonitor sa lugar ang City Environment and Natural Resources Office katuwang ang mga barangay officials ng Barangay Montible upang mapangalagaan ang mga punong kahoy.

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa mga mamayan at sa nagplano at nagpasimula kung saan 1991 unang ginanap ang Kagueban na malaki ang kanyang utang na loob sa Palawan Integrated Area Development Project Office at pamahalaang panlungsod. / Imee Austria

Exit mobile version