Nakipagpulong si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron sa mga opisyal ng City Health Office para sa pagkakaroon ng preventive medicine Satellite Clinic na mag-operate bilang Diagnostic Center sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Sa kanyang talumpati sa flag- raising ceremony kaninang umaga, ika-30 ng Mayo, apat na diagnosis centers ang ilalagay sa North East, West at South East, West at isa sa Medical Complex, sa Barangay Sta. Cruz pababa hanggang Barangay Irawan pababa na magiging sakop ng Diagnostic Center.
Layon ng alkalde ang matulungan at matugunan ang mga kababayan na may mga sakit at nagpapa-hemodialysis.
“Ang satellite clinic mag-operate ito as a diagnostic center para early diagnosis problema sa kalusugan ng kababayan natin na hindi na sila mauwi pa o ma-ospital mas malaking gastusin mas malaking problema ng pasyente,” ayon kay Bayron.
Isa ito sa kanyang prayoridad sa loob ng tatlong taong panunungkulan bilang ama ng pamahalaang panglunsod.