Unti-unti nang tumataas ang presyo ng bigas, na umaabot ng 65 hanggang 55 piso bawat kilo sa Pilipinas. Dito sa Palawan, may ilang mga mamimili nang nag-aalala sa kalagayan, lalo na’t ang bigas ay isang mahalagang kalakal.
Sa panayam ng Palawan Daily sa mga mamimili, may ilan sa kanila ang nagpahayag na hindi lang sibuyas, asukal, at gasolina kundi pati na rin ang bigas ay hindi na kayang bilhin sa kanilang araw-araw na kita.
Si Ako Bicol Partylist at House Committee Chairman on Appropriations Representative Elizaldy Co ay mariing kinastigo ang mga opisyal mula sa Department of Agriculture (DA) dahil sa tila hindi maikontrol na pagtaas ng presyo ng bigas sa buong bansa.
Ayon kay DA Undersecretary Leocadio Sebastian, hindi ito maaring maibaba ang presyo ng bigas hanggang 20 piso bawat kilo. Binanggit niya na ang presyo ng bigas ay umaasa sa merkado, at bagamat inaasahan ng ahensya na maabot ang 95% rice sufficiency bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028, nananatili pa ring apektado ng kalakaran ang presyo nito.
Dagdag pa ni Sebastian, dahil sa pagpasok ng mahal na imported na bigas, tumataas din ang presyo ng lokal na bigas sa mga pamilihan.
Sa isang panayam ng Palawan Daily kay Gng. Perlita Asoncion, sinabi niyang ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nagdudulot ng hirap sa kanilang pamumuhay. Ipinahayag niya na ang kanyang asawa at siya ay umaasa sa kita ng kanyang asawa mula sa pamamasada ng tricycle, upang may maipambili lamang sila ng tatlong pagkain sa isang araw.
“Ang limang piso noon ay may malaking halaga. Noon, makakabili kami ng magandang kalidad na bigas. Ngayon, kailangan naming ma