Palawan, nag-iisang may cold storage facility ng COVID-19 vaccine sa MIMAROPA

Ibinahagi ng Provincial Health Office ang kahandaan ng kanilang tanggapan kapag dumating na ang gagamiting COVID-19 vaccine sa Palawan. Sa katunayan umano, sa buong MIMAROPA, Palawan lang sa ngayon ang may vaccine cold storage.

“Dito sa ating Provincial Health Office po yung ating cold storage. Ito ay kung di pa po nalalaman ng ating kababayan, ito ay nag-iisa lang ito sa MIMAROPA that can store po from 100-115,000 na vaccine. Itong pong ating cold storage na ito dito po magsto-store ng ating mga vaccine then on the week of the vaccination i-di-distribute po natin sa mga munisipyo po at mga cold chain.” Ani Dra. Faye Erika Labrador, Provincial Health Officer

Dagdag pa ni Dra. Labrador tinuruan na sila kaugnay ng tamang pag-imbak ng mga vaccine na gagamitin upang hindi ito masayang at nabili na ang Pamahalaang Panlalawigan na ‘cold chains’ para sa mga lalagyan nito sa iba’t ibang ospital sa lalawigan.

“We have been trained for that kung paano yung magiging pag-store nun at pagtra-transfer po nun at saka po hindi naming nakakalimutan na malalayo pa ang ating mga munisipyo. So we have been instructed kung paano po ita-transfer itong mga ito. And our provincial government po has already procured po mga cold chains yung ating mga vaccine para sa mga hospitals din po natin.”

Samantala, inaasahan na darating ngayong buwan ng Pebrero ang unang batch ng gagamiting bakuna kaya patuloy umano ang kanilang paglilibot sa mga munisipyo upang malaman ang kahandaan ng mga pasilidad para sa nalalapit na COVID-19 vaccination.

“Ang target po nila na sinabi po sa akin may darating po sa amin ng February yung mga first batch [ng bakuna] so we are undergoing the preparation na po ito ngayon so habang wala pa po itong vaccine patuloy po kaming nagpre-prepare patuloy po naming chine-check po lahat ngayon po meron na pong employees sa ating PHO na naglilibot sa lalawigan para po i-check po yung capability po ng bawat munisipyo sa pag-store po ng ating mga vaccine.

Exit mobile version