Dalawang bonuses ang maaaring matanggap ng mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa sa mga susunod na buwan.
Ito ang masayang ibinalita bilang pambunagd na mensahe ng buwan ng Oktubre ni City Mayor Lucilo R. Bayron sa harap ng mga empleyado.
Sinabi ng alkalde na inihahanda na nila ang maaaring matanggap ng mga empleyado na karampatang year-end bunos at performance-based bonus.
Ang performance-based bonus ay 65 percent ng basic salary noong December 2021, at ang makakatanggap nito ay mga kwalipikado at mahuhusay na empleyado, kabilang na ang pagkakaroon ng mataas na grado sa good financial housekeeping, consistency simula noong 2014.
Malaki ang paniniwala ng Punong Lungsod Bayron na ang lahat ay nagawang tama at pasado ng mga empleyado ng pamahalaang local.
Sinabi ni Mayor Bayron “dalawang bonuses yung matatanggap (ng mga empleyado) year-end bonus at performance-based bonus yung isa ibibigay sa November yung isa ibibgay natin ng December para may pang-celebrate ng pasko kayo na kung saan ay kailangan na lang mag-report ng mga department sa HR kung alin ang uunahin na ibigay sa Nobyembre at Disyembre.”
Ang pondo na pagkukunan ay mula sa savings na personal ng pamahalaang panlungsod.
Kabilang sa makatatanggap ng PBB ay ang mga opisyal ng pamahalaaan na ipinagpapasalamat ng Punong Lungsod dahil na rin sa pahintulot ng Department of Interior and Local Government (DILG).