Pamahalaang panlalawigan, maghihintay muna ng libreng bakuna bago bibili ng bakuna

Pabirong inamin ni Provincial Information Officer Winston Arzaga na maghihintay muna ang Provincial Government of Palawan sa libreng bakuna mula sa National Government. Kung kukulangain ay saka umano sila bibili.

“Libre naman yan [at] walang babayaran. ‘Pag wala nang libre, siyempre sa libre muna tayo bago bumili. Doon muna tayo sa libre, saka na yung may bayad.”

Paniguro nito, handa ang pamahalaang panlalawigan na bumili ng mga bakuna kontra COVID-19 kung kinakailangan.

“’Pag kinulang, bibili yung Provincial Government. Kung kinakailangang bumili po, may pondo naman yung Provincial Govnerment para diyan. They can just easily reprogram certain priorities at yan na po yan para sa bakuna yan.”

Dagdag pa niya na mayroong pondo na nakatabi ang lokal na gobyerno kung naisin nitong bumili ng sariling bakuna dahil, base sa kanilang listahan, ay maraming kinakailangang bakunahan sa buong lalawigan.

“Nakalagay naman sa ating daily funds yan na sinasabi ni Gov na P5 billion sa bangko na puwedeng gamitin kung kinakailangang may paggagamitan.”

Samantala, ipinagmalaki naman ni Arzaga na mayroong sapat na bilang ng mga doktor at ospital sa lalawigan at hindi rin umano masisira ang mga bakunang matatanggap dahil mayroong mga generators na nakahanda sakaling magkaroon ng blackout. Ito umano ay nakasaad sa micro plan na isinumite sa Department of Health noong nakaraang linggo.

“13 operating hospitals ang mayroon tayo dito na naka spread yan all over Palawan. Then maliban sa mga ospital na yan, may mga RHU din na puwedeng magamit. 125 yung doctors natin sa Palawan na naka-employ diyan [at] karamihan diyan yung pinaaral ng Provincial Government doon [upang magkaroon ng solusyon] sa problema ng doktor. Kumpleto yan.”

“Lahat ng ating medical personnel ay nasa 627 yan na mai-ta-tap diyan. Hospitals natin may isolation buildings, may cold chain facilities so ‘di mangyayari na mawalan ng refrigeration yang mga bakuna kasi may stand-by generator sa lahat ng ospital. So ganun kahanda ang provincial government in terms of facilities pero siyempre iti-train mo pa yung mga tao doon.”

Exit mobile version