Malugod na tinanggap ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron ang isang sasakyan na handog ng dalawang kompanya.
Noong ika-21 ng Hulyo na i-turn over at nagkaroon ng signing ceremony sa pamamagitan ni Mayor Bayron at Presidente at CEO ng Mitsubishi Philippines na si Mr. Takeshi Hara, at ang Vice President ng Maximotors Corporation na si Mr. Winston Ong Lo.
Ang nasabing sasakyan ay mayroon official seal o logo ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa, at nakalagay din na ito ay donasyon ng Maximotors Corporation. Bahagi din ito sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Maximotors Corporation.
Mensahe ni Mayor Bayron, “We will use this car for our governance in the City of Puerto Princesa.”
Ganun din si Mr. Hara, kaniyang pinasasalamatan ang suporta ni Mayor Bayron at ng Pamahalaang Lungsod sa Mitsubishi at sa Maximotors.