Pangolin na umano’y kinagat ng aso, na-rescue sa Sta. Lourdes

Na-rescue ng mga kawani ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sa Brgy. Sta. Lourdes ang isang Palawan Pangolin (Manis culionensis) na umano’y biktima ng kagat ng aso.

Batay sa post ng 2nd SOU-MG sa kanilang Facebookpage na “Palawan Maritime Pulis SOU-II” kahapon, Hunyo 3, sinabi nilang agaran silang nagsagawa ng rescue operation sa loob ng tahanan ni Kgd. Jolito Miravalles sa Purok Centro sa nasabing barangay at napag-alaman nilang kinagat ng aso ang buhay-ilang kaya unang nasagip ng nabanggit na tanod ng barangay.

Matapos nito ay agad ding isinauli ang Balintong sa mga tauhan ng PCSDS para sa inisyal na assessment at aksyon.

Ayon pa sa PNP Maritime Group, ito ang kauna-unahan pagkakataon ngayon taon na may na-rescue silang Pangolin. Tiniyak din nilang hindi naman malala ang kagat ng aso sa nasabing buhay-ilang.

Exit mobile version