Delayed ang naging resulta sa paglipad ng isang eroplano patungong Maynila dahil sa ginawang “bomb joke” ng isang pasahero kaninang umaga Ika-20 ng Pebrero.
Nagresulta ito ng pagkatakot ng mga pasahero na bumaba ng eroplano maging ang mga dalang bagahe na kinailangang suriin ng mga awtoridad. Ilang oras din ang hinintay ng mga pasahero bago nakalipad.
Ayon sa source ng news team, hindi na daw pinasakay ang lalaki at inaresto na ito ng PNP upang imbestigahan at dito napag-alaman na hindi taga lungsod ang pasahero.
Ayon kay Ma. Lourdes Espartero, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines, sa ngayon ay nag-aantay pa sila ng formal report sa naganap na bomb joke.