Aminado ang pamunuan ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na kulang pa ang kanilang kagamitan na ginagamit sa kanilang tungkulin.
“Sa bahagi ng PDRRMO may nakikita pa tayong kakulangan but of course nakikita din natin maliban sa gamit ay yung trainings na kailangan pa natin ma-develop yung skills na kailangan din ma-develop sa tulong na rin ng ating mga kasamahan sa AFP.” paliwanag ni PDRRMO Head Jerry Alili
Ayon pa kay Alili, inuunti-unti na umano nila ang pagbili ng ilang mga gamit kasabay ng mga training upang maging laging handa ang bawa’t isa.
“Oo may mga bagong kagamitan po kasi tayo ngayon mostly is for collapse structure, search and rescue and yun din usually na ginagamit sa mga earthquake pero yan ay dinadagdagan pa natin at kinukumpleto natin kasabay ng mga trainings ng kailangang gawin.”
“At yung capability ng ating mga first responders sa ganitong insidente ay dapat mahasa din and yung coordination kaya dapat nagkikita kami nagkakakilanlan kami at nakikita din namin yung aming capability.”
Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng PDRRMO sa mga Palaweño na lagi maging handa at huwag maging kampante sa lahat ng oras kasabay ng pagdaraos ng First Quarter Nationwide Simultaneous Earth Quake Drill kahapon, Marso 11, 2021.
“And lastly gusto natin ipaalam sa ating mga kababayang Palaweño na marami kasi ang naniniwala na tayo ay earthquake free.”
“Yes walang history na nagsasabi na nagkaroon na ng malakas na earthquake na devastating sa lalawigan ng Palawan pero sa mga kapitbahay natin ay may mga earthquake na puwedeng mag cause ng tsunami at papunta sa atin [Palawan] ang impact [tsunami] with that kailangan natin mag-prepare.” -paalala ni Jerry Alili ng PDRRMO