PNP Mobile Force, naglunsad ng civic activities 

PUERTO PRINCESA CITY – Naglunsad ng iba’t ibang civic activities ang City Mobile Force Company ng Puerto Princesa City Police Office upang makatulong sa mamayan ng lungsod ng Puerto Princesa lalo na sa mga malalayong lugar.

Sa pangunguna ni Police Chief Inspector Mhardie R. Azares, commander ng grupo, inilunsad ang Oplan Tuli, Medical, Dental, at Gift Giving para makatulong lalo Na sa mga hindi kayang gumastos para sa ganitong mga serbisyo.

Sa panayam ng Palawan Daily News, sinabi ni Azares na, “Nag-focus kami sa basics services. Nag-device kami ng mga plan tulad na lamang ng ‘Oplan Tarabangan kita.’ Ito ay yong kami ang pupunta sa mga community lalo na sa mga maliliblib na lugar para ihatid sa mamayan ung aming libreng services.”

Nakipag-ugnayan din sila sa LGU at iba pang sumusuporta na at sumasama para magbigay ng kanilang libreng serbisyo katulod ng mga doktor at dentista.

Meron ng 104 na mga kabataan ang nabigyan ng serbisyong tuli mula sa tatlong barangay ng Barangay Losvimenda, Barangay Napsan at Barangay Marupinas.

Maliban sa Basic Services, meron din silang “Dugong Alad Bagong Kabuhi” o bloodletting activity kong saan isinasagawa sa dalawang beses sa isang taon at katuwang dito ang Red Cross at suportado naman ng isang establisyemento dito sa lungsod.

Nabuo ang aktibidad na ito dahil may ilan din na mga registered nurse ang naging police.

Ang City Mobile Force Company ay hindi lang isa ang layunin kundi isa rin sila sa nagpapatupad ng Peace and Order.

“In terms nang primary mission namin yong internal security operations, support to Law Enforcement operations ng mga stations like arrest wanted persons,
at sa disaster response kami ‘yong primary unit na magre-respond sa disaster sa PNP lang at isa rin kami sa nagse-secure sa mga VIP na dumarating at nag-alalay naman sa Tourist Police,” ani Azares.

Exit mobile version