PPC Police Office, nangakong paiiralin ang transparency sa Vu Dang murder case

Sa ginanap na media forum sa Puerto Princesa City Police Office ngayong Lunes, Hulyo 3, na pinangungunahan ni Police Colonel Ronie S. Bacuel, City Director ng Puerto Princesa City Police Office, sinabi nito na nagsasagawa sila ng imbestigasyon kaugnay sa isang personnel na umano’y may kinalaman sa pagpaslang sa negosyanteng Vietnamese National na si Vu Dang. Sinabi niya rin na magiging transparent sila sa pagpapalabas ng katotohanan kung mapatunayan na may kinalaman ang PNP sa krimen na ito.
Bagaman mayroon nang isang suspek na nasa kustodiya ngayon ng PNP na sumuko kay Konsehal Elgin Damasco, sinabi ni Mark Rodriguez na siya ay walang kaalaman sa krimen at hindi siya ang suspek at ang malinis na konsensiya umano ang naging dahilan ng kanyang pagsuko.
Sinabi rin ng pamilya ng biktima na si Mark Rodriguez ang siyang suspek sa pamamaril kay Vu Dang. Dahil dito, isinampa na ng PNP ang kaso ng murder laban sa suspek sa City Prosecutor.
Matatandaan na nangyari ang pagpaslang kay Vu Dang noong ika-8 ng Mayo pasado alas-7:00 ng gabi sa kanyang bahay sa Purok El Rancho, Brgy. Santa Monica sa lungsod ng Puerto Princesa.
Exit mobile version