PPCPO, nag-top sa evaluation sa buong MIMAROPA PNP

Rank 1 sa Performance Evaluation Rating (UPER) sa lahat ng mga police officer ng mga lalawigan at lungsod sa buong rehiyon para sa buwan ng Hunyo 2023, ang Puerto Princesa City Police Office sa magandang trabaho na kanilang nagawa.
Kaya naman binabati ni Puerto Princesa City Director, PCOL RONIE S. BACUEL ang mga kapulisan sa lungsod.
Ang Unit Performance Evaluation Rating System ay isang instrumento upang suriin ang mga Tanggapan/Unit ng PNP sa buong bansa ng kanilang pagganap. Ito rin ay naglilingkod bilang mekanismo ng feedback sa pagsubaybay sa progreso sa pagkamit ng mga inaasahang layunin at pagtukoy kung gaano kahusay ang mga programa, proyekto o aktibidad, o patakaran ang ipinatutupad, at upang sukatin ang kahusayan ng PPCPO sa pagpapatupad ng mga tagumpay sa Administratibo at Operasyonal ng PNP.
“These significant accomplishment of PPCPO is a testament to the effectiveness of our coordinated efforts thus making our Police Office being adjudged as rank Number 1 region-wide for the month of March with rating of 93.79%, April 94.54% and June 95.52%. I also like to applaud the unwavering commitment to duty exhibited by our men and women in uniform,” pahayag ni Bacuel.
Exit mobile version