Ginanap noong Nobyembre 11 ang anibersaryo nang pagtanghal sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) bilang isa sa New 7 Wonders of Nature na sinabayan ng selebrasyon sa Subaraw Biodiversity Festival 2023.
Isa sa mga itinampok sa selebrasyon ay ang makukulay na mga float na naparada kung saan nagwagi ang Western Philippines University na nakuha ang premyong P300,000.00.
Sa headdress competition, kampeyon ang Sta. Lourdes National High School na nag-uwi ng ₱75,000.00. Bukod dito, tagumpay rin ang Mateo Jagmis Elementary School sa costume competition na may ₱75,000.00 na premyo. Sa Dance Festival Competition, itinanghal na paborito ng hurado at crowd ang Tribu Panagat na nagwagi ng ₱100,000.00.
Inaasahan naman ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron na dadalhin ng Subaraw Biodiversity Festival 2023 ang Puerto Princesa sa mas mataas na antas sa larangan ng ecotourism at sports tourism.