Bus, tumagilid sa Barangay Santa Lourdes; 24 na pasahero, ligtas

Image credit to: Azunta Koi Colonia

PUERTO PRINCESA CITY — Tinatayang nasa 24 na pasahero ang sakay ng San Isidro Bus galing sa bayan ng Roxas, Palawan patungo sa lungsod ng Puerto Princesa nang ito ay tumagilid sa gilid ng daan ng Barangay Santa Lourdes ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 15, mga 1:30 ng hapon.

Ayon sa may-ari ng bus na si Randy Hugo wala namang nasaktan sa mga pasahero at isinauli nila ang pamasahe ng mga ito.

Hindi umano namalayan ng driver ng bus na si Romel Adeon Pentenio na nasa tabi na ito ng daan at dahil malambot ang lupa dahil sa ulan ay dito nang tumagilid ang pampasaherong bus.

Dahil sa sunod-sunod na ulan, mahigpit na pinapaalalahanan ng Land Transportation Office ang mga drayber na maging maingat sa pagmamaneho para maiwasan ang aksidente sa daan.

Exit mobile version