Nilinaw ni Dr. Dean Palanca, ang Incident Commander ng IMT Puerto Princesa, sa press conference kanina, na walang local transmission ng Omicron varaiant BA.2.12.1 sa lungsod kagaya ng napaulat na nilabas ng Department of Health Mimaropa.
Ayon sa kanya, nakakalungkot dahil nilagay sa balita na mayroon local transmission ang Puerto Princesa kaugnay sa napaulat na mga tourista na nagpositibo sa Omicron variant BA.2.12.1 noong nagtungo sa Tubattaha reef.
“May mga things kami na e-clarify doon talagang para maintindihan ng ating kababayan kung ano ba talaga yung mga nangyari, anu ba yung sitwasyon ng ating lungsod, na nakikita (naman) natin na maayos parin tayo kahit na may ganun na news na lumabas. Na dapat e-clarify namin sa publiko ang sitwasyon sa Puerto Princesa,” saad ni Palanca.
Dagdag pa ni Palanca, hindi dapat mangamba ang mamamayan sa Puerto Princesa dahil walang ongoing local transmission.
Kaya naman nanawagan sa mga tourista na pupunta ng Palawan at Puerto Princesa na wag ekansela ang kanilang pagpunta sa lungsod dahil walang ongoing infection ang naturang variant.
“Nalulungkot din tayo kasi nga maapektuhan dito ang ating Ekonomiya at Tourism kasi may nabalitaan tayo na more than one hundred ang umano’y umatras na pasahero na pupunta sana sa Puerto Princesa,” dagdag ni Palanca.
Samantala, balak naman ng IMT na makipag-ugnayan sa City Tourism kaugnay sa survey ng mga tourista dahil hindi na rin nila nakikita ang mga pumapasok sa airport dahil sa naka alert level 1 sa ngayon ang Lungsod.
Hinikayat din nito ang lahat ng mga nagmamay-ari ng hotels, travel agencies at ang mga tour guides na agad ipagbigay-alam sa kanilang heads o agencies kung may kasama silang tourista na may sintomas ng lagnat at ubo upang agad na makunan ng COVID test.
Paalala ni Palanca sa mamamayan na mahigpit pa rin ipinatutupad ang maximum health protocol at laging magsuot ng face mask.