Ipo-ipo, nanalasa sa Barangay Bancao-Bancao; bangka at bahay, nasira

Ang isa sa mga nasirang banka dulot ng pagdaan ng ipo-ipo sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City ngayong araw, Agosto 16. (Larawan kuha ni Wilmar Abrea)

PUERTO PRINCESA CITY — Dalawang bangka at isang bahay ang tinamaan ng ipo-ipo partikular sa Purok Masikap Barangay Bancao-Bancao kaninang umaga, Agosto 16, taong kasalukuyan.

Sa panayam ng Palawan Daily News kay Barangay Kagawad Luis Cuadrante saad nito, “Agad namin pinuntahan ang lugar kasama ang ating punong barangay at ini advise na natin muna na kunin ang kanilang pangalan at bukas ay magkakaroon kami ng meeting kung anong paraan ang pwede nating maitulong para sa ating kabarangay na naapektuhan ng ipo-ipo kanina na hindi natin ito inaasahan.”

Samantala, kasalukuyan namang nakabara ang dalawang bangkang pangisda nang maganap ang pagdaan ng ipo-ipo sa lugar.

“Kung titingnan ang isang bangkang malaki, ito talaga ang total damaged habang ang isang bangka ay nadaganan naman ng pamalong at iyong bahay naman ang tinamaan ay ‘yong kusina kong saan natanggalan ng bubong.”

Ayon sa ilang residente na kanila naman ikinabahala at naging pangamba dahil 30 taon na silang naninirahan sa lugar at saad nila ito umano ang kauna-unahang nangyari at makakita sila ng ipo-ipo

Dagdag nila, kinailangan nilang humawak sa puno at haligi dahil maari silang tangayin ng malakas na ipo-ipo.

Totally damaged ang bangkang pangisda na pag -aari ni Marissa Ricafort habang partially damaged naman ang bangkang pangisda na pag-aari ni Jayson Jose kasama ang bahay na pag-aari naman ni Miray Tupaz.

Hindi rin nakaligtas ang bakawan na dinaanan ng ipo-ipo, at wala namang nasaktan na residente.

Tinatayang nasa tatlong minuto hanggang limang minuto naman ang tinagal ng ipo-ipo na nagpaikot-ikot sa lugar.

Sa ngayon, inaalam pa ang kabuang halaga ng pinsala ng ipo-ipo.

Exit mobile version