‘Kidnap me’ modus, nabisto ng mga otoridad

Ang nagrereklamo na babae na ayun sa kanya sya ay kinidnap at ginahasa ng mga kalalakihan, subalit sya ay nabisto ng mga otoridad na sangkot sa 'Kidnap me' modus, kasama ang kaniyang boyfriend. (Contributed photos)

Isang babae ang dumulog sa estasyon ng pulisya dahil siya raw ay na-kidnap at nagahasa, subalit nabisto ng mga otoridad na isang modus ang pagpapanggap nito upang mangingikil ng pera.

Nakilala ang nagrereklamo na si Charice Martinez, 23 anyos, na ayun sa kanya sya ay kinidnap at ginahasa ng mga kalalakihan.

Subalit nang pagkatapos na ito ay nakuhanan ng salaysay at bineripika ng imbestigador ang kanyang mga nasabi, bigla nalang ito nag-iba ng kaniyang mga pahayag.

Dumulog si Martinez sa Police Station 1 kahapon, 19 Disyembre, pasado alas tres kasama ang kaniyang boyfriend na si Bert Atelano at ilan pang mga kasamahan.

Napag-alaman na kunwari siya ay nakidnap ng ilang kalalakihan at tatawag sa magulang nito at sa pamamagitan ng video call at ipapakita na siya ay aktwal na ginagagapos at hihingihan ng pera kapalit ang kalayaan nito.

“Dinala po nila ako sa masukal na lugar, para doon daw po namin gagawin iyong plano nya, tapos tatawagan namin ang nanay ko sa video call para makatotohanan daw po,” saad ni Martinez.

Pero, nag-umpisang magduda si Chief Insp. Mark Allen Palacio sa complainant dahil paiba-iba ang senaryong sinasabi nito.

Muling sinubukan ni Palacio si Martinez na kunwari ay pupuntahan nila ang mga kasama nito para kunin subalit nag-iba nanaman ang diskarte ng complainant hanggang sa mapaamin na ito.

“Habang kausap ko sya, napansin ko na umiiyak pero wala namang luha. Sabi ko, inum ka muna ng tubig, inOobserbahan ko, di naman nanginginig. Kung talagang nakidnap at sinasabi nya pa na narape, syempre fresh pa un, pero di ko nakikita sa kanya iyong gusto kong makita na reaction ng rape victim,” saad ni PCI Mark Allen Palacio.

Napag-alaman pa na hindi lang pala ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Martinez sa kanyang magulang.

“Noong una po 25,000, tapos pangalawa, 150,000 po. Pero hindi ko naman gusto iyon. Siya lang po ang may plano nyan,” dagdag ni Martinez.

Mariin naman ang pagtangi dito ni Atelano at sinabi rin nito na gawa1gawa lang ni Martinez ang mga kwento nito sa otoridad. Pero nanindigan naman ang complainant at sinabi rin nito na pinagbabantaan ni Atelano ang kanyang buhay pag hindi ito pumayag sa kanilang plano.

“Ay hindi ko pa alam yan, Sir. Sinungaling yan! Bakit ako ang ituturo nyan,” saad ni Atelano.

Abot/abot naman ang paghingi ng tawad ni Martinez sa kaniyang nanay na sa kasalukuyan ay nasa pagamutan dahil sa paniniwala nitong nakidnap at nagahasa ang kanyang anak.

Nanawagan naman si PCI Palacio na makipagtulungan sa mga operatiba at huwag basta bastang maniniwala kung sila naman ang bibiktimahin ng mga ganitong klaseng mudos.

Exit mobile version