Puerto Princesa Incident Management Team, hindi nababahala sa pagbubukas sa domestic tourism ng lungsod

Inanunsyo kamakailan ng Puerto Princesa City Tourism Office (CTO) sa kanilang social media na magbubukas nang muli ang lungsod para sa mga domestic tourists. Nagkaroon na rin umano ng ilang pagpupulong kasama ang mga stakeholders upang paghandaan ang opisyal na petsang itinakda para pagbubukas.

Sa panayam naman kay Dr Dean Palanca, Commander ng Puerto Princesa Incident Management Team (IMT), nagkaroon ng pagpupulong ang CTO upang gumawa ng mga protocols at kanila itong inilatag sa IMT.

“Nag-usap-usap na ‘yung mga hotels [at] mga booking offices [and] so nag-come up na sila [kung] paano ‘yung protocol diyan. Nakita ko naman ‘yan at sabi ko naman [na] karamihan naman ng trabaho ay galing diyan sa ating mga booking offices [at] sa ating City Tourism Office…”

Aniya, ang magiging parte nila rito ay pagmo-monitor lamang sa mga turistang pumapasok at pag-schedule at pagsasagawa ng anumang test tulad ng RT-PCR. Ang mga turista na kasi ang makikipag-ugnayan sa mga travel agencies at ang mga dokumento nito ay ipapasa naman sa CTO upang mai-verify.

“Sa tourists kasi may coordination yun, kailangan yun eh. May coordination sila sa booking offices at ilalagay nila kung ano yung tourist package nila. Hindi puwedeng humiwalay sa tourist package. So ibibigay din nila yung kanilang RT-PCR, yung kanilang mga ticket.”

“Sa amin, sa IMT, siyempre ‘pag nandiyan na lahat, may papel na, may mga travel [o] booking date na sila tapos nandiyan na yung mga ticket nila [ay] puwedeng bigyan na kami ng copy ng mga pangalan na yun at saka yung kanilang itinerary. Sa amin [ay] for monitoring. Ibibigay na lang nila sa amin yung parang finished product. Andiyan na yung pangalan, ito yung kanilang cellphone number, ito yung pupuntahan nila. So doon kami at sa schedule ng testing sa kanila, sa IMT naman yun.”

Dagdag pa nito, sa ngayon ay wala masyadong ikinababahala ang kanilang tanggapan sa pagpasok ng mga turista maliban lang sa tagal na mananatili ang isang turista sa lungsod at ang kanilang isusumiteng RT-PCR result.

“Hindi ko pa nakikita masyado. Yung concern lang naming yung monitoring nila at saka yung time [and] day ng kanilang testing. Yun lang namain yung magiging concern namin. Depende kasi kung ilang araw sila mag-stay dito sa Puerto Princesa so more on sa scheduling ng test nila kung sakaling ite-test naming sila. At saka dapat yung RT-PCR result nila ay galing sa mga accredited na molecular laboratory ng Department of Health.”

“I mean kasi sa amin for monitoring na lang kami sa kanila. At saka kung sakaling may testing sa kanilang gagawin [ay] kami na yung gagawa nun. Okay naman po yun yung mga things na yan pero as you go on naman doon mo nakikita yung problema. Mag-aadjust lang tayo pag may mga bagong problema.”

Samantala, napag-usapan na ng CTO at IMT kung ano ang magiging mga protocols sa mga nais bumisita at maaaring maayos na ang mga dokumento kaugnay sa pagbubukas ng turismo ngayong Biyernes, Marso 15, 2021.

Patuloy naman na tinatalakay kung sino ang sasagot sa gastusin ng isang turista kung ito ay mapipilitang maisailalim sa quarantine kung ito ay magpositibo sa COVID-19 pagdating sa lungsod.

Exit mobile version