Puerto Princesa tricycle drivers: payagan naman kami sa national roads

PDN Stock Photo

Umaasang mapapahintulutan ng Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa ang pansamantalang be pagdaan ng mga trycycle driver sa national roads.

Sa ipinasang resolusyon, hinihiling ng mga tricycle operators and drivers na payagan silang makadaan sa national highway ng Puerto Princesa.

Ito ay dahil na rin sa kahilingan  ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron para sa dalawang araw na Ironman 70.3 sa darating na  Nobyembre 12 at 13 mula sa kabayanan hanggang Barangay Sta. Lourdes at Poblacion hanggang Barangay Irawan maliban na lamang sa bahagi ng Malvar Street hanggang Socrates Road.

Ang resulosyon ay may kabuuang titulo na… “A Resolution Requesting To Allow Tricycle Vehicle To Pass Through Several National Roads From Poblacion To Barangay Sta. Lourdes And Poblacion To Barangay Irawan Except Malvar Street To Socrates Road Which Will Be Used For Ironman Activity On November 12-13, 2022.”

Mabilis na isinulong ang kahilingan sa Committee on Transportation upang matalakay.

Bukod dito, isa pang resolusyon ang isinusulong sa Sangguniang Panlungsod patungkol naman sa suspensyon ng rental at iba pang bayarin sa old public at new public markets na may kinalaman pa rin sa nalalapit na Ironman.

Ito ay sa layuning  magkaroon  ng mababang presyo ng produkto na mabibili sa palengke na makatulong sa mga turista at para kumita ang mga manininda, ngunit ang suspensyon na ito ay sa mismong Nobyembre 12 at 13.

Ayon kay Majority Floor Leader Jonjie Rodriguez  kanyang mungkahi ay  mabantayan ng market superintendent na i-monitor ang mga puwesto ng mga manininda upang matiyak na nagkaroon ng pagbaba sa presyo ng kanilang mga produkto alinsunod narin sa suspensiyon sa pagbaba ng taripa.

Exit mobile version