Resolusyon vs pasaway na tricycle driver at abusadong traffic enforcer, inihain na

Puerto Princesa City Hall (Contributed photo)

Hiniling ng City Council sa City Traffic Management Office na maglagay ng signage kung saan pwede ireklamo ang mga pasaway na tricycle driver at abusadong traffic enforcer.

Sinusulong ngayon sa Sangguniang Panlunsod ang isang resolusyon na humihiling sa City Traffic Management Office na maglagay ng mga karatula kung saan at kanino dapat magreklamo laban sa mga mapang-abusong tricycle driver.

Nakasaad rin sa panukalang resolusyon na dapat ay nakalagay ang mga contact numbers ng mga tao o opisinang maaaring pagsumbungan.

Samantala, hindi ligtas ang mga pasaway na traffic enforcers dahil base sa resolusyon ay kasama sila sa mga pupwedeng isumbong. Sa ngayon ay nairefer na ito sa Committee on Transportation ng Sangguniang Panlunsod para mapag-aralan.

Exit mobile version