Sangguniang Panlalawigan, idineklarang persona non grata si Attorney Robert Bobby Chan ng Palawan NGO

Isinulong ang Resolution No. 011-21 na nagtatalagang persona non grata si Attorney Robert Bobby Chan, Executive Director at Advocacy Officer ng Palawan NGO Network Inc. (PNNI) kaninang umaga, January 12, sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan dahil umano sa isang fund raising video na may mga paninirang pahayag laban sa pamahalaang panlalawigan upang makakalap ito ng pondo.

Ayon pa sa privilege speech ni 3rd District Board Member Albert Rama, na siyang main author din ng resolusyon, pawang walang katotohanan ang mga paratang ni Atty. Chan at naapektuhan umano ang kredibilidad ng Provincial Government at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

“…affected the credibility and integrity of the Provincial Government and other concerned government agencies and instrumentalities as well as the people running their affairs due to an irresponsible, baseless and malicious accusations from the Executive Director of the Palawan NGO network,” ani Rama.

Ayon sa mga isinabi ni Atty. Chan sa video na ibinabanggit sa Sangguniang Panlalawigan ay isang fund raising video upang matulungan ang mga para-enforcers para mapaigting ang pagpapatupad ng batas laban sa illegal logging, fishing at mining.

“…our province is terribly mismanaged and neglected. Illegal logging, illegal fishing and even mining is seemingly promoted to give in to big business. In response, we’ve formed a group of para-enforcers whose main function is to enforce environment laws to catch the chainsaws, to confiscate dynamite boats, and even to impound mining equipments.

“And we have been successful so far but we need your support and your help to continue these good work. All donations we receive will go into food and fuel to allow our forest patrols and seaborn operations. It will also go to the next generation of para-enforcers…”

Ayon naman sa pahayag ng Sangunian sa Palawan Daily News, ang ninanais lamang aniya ng lokal na pamahalaan ay maitama ang mga maling paratang sa kanila at ikundena ang mga ganitong gawain.

“…ito po ay hindi natin ipinalalampas yun po ang aming kinukundena. At ito po ang dahilan namin kung bakit idineklarang persona non grata si Attorney Robert ‘Bobby’ Chan…” pahayag ni Rama.

Samantala ipinaliwanag naman ni Atty. Robert ‘Bobby’ Chan na bahagi lamang ng malayang pagpapahayag ang nilalaman ng kanyang video at sana umano ay hind imaging balat sibuyas ang mga opisyal.

“Saklaw ng isang opinion ng isang malayang pagpapahayag sa isang opisyales publiko hindi ka dapat balat sibuyas. Hindi ka dapat sensibo [at] ikaw ay dapat bukas sa mga kritiko na ganun. Dahil bakit ko sasabihin na ganun nga yung sitwasyon [na] mismanaged o neglected yung Palawan kung lahat ng mga nahuhuli kong chainsaw sa gubat o kaya illegal fishing o kaya yung mga pagmimina at pagbabatikos ko ay may basehan naman lahat,” ani Atty. Chan.

Exit mobile version