Sangguniang Panlungsod, duda sa kakayanan ng GSMAXX Construction

Pinagdududahan ng Sangguniang Panlungsod ng kung bakit walang nakalaban sa bidding ang GSMAXX Construction para sa walong (8) malalaking proyekto ng Puerto Princesa.

“Kataka-taka ito wala man lang nag-contest sa kanila. Wala man lang silang kalaban sa bidding so ibig sabihin sole bidder sila sa lahat ng proyekto na ito. So, yun ang ipinagtataka natin.” Ayon kay Konsehal Jimbo Maristela ng Puerto Princesa City Council.
Paglilinaw nito, wala umanong problema kung walang naging kalaban sa bidding ang isang kontraktor. Ngunit sa dami ng mga malalaking contractor sa lungsod, imposible umano na walang lumaban.

“Although allowed naman iyon, pero parang imposible naman yun kasi marami naman malalaking contractor dito sa lungsod ng Puerto Princesa. Eh sila lamang ang nag-bid at walang lumaban sakanila at sila ay hindi naman talaga dito naka-base sa Lungsod ng Puerto Princesa.”

Hiniling naman ng Sangguniang Panlungsod sa Bids and Awards Committee (BAC) na bigyang linaw kung bakit GSMAXX ang kanilang napili at kung may kakayanan ba ito na tapusin ang mga malalaking proyekto ng lungsod sa takdang panahon.

“Pinapa-submit namin yung BAC ng mga documents. Yung kanilang post qualification verification at kung paano nangyari ito at kung talaga bang qualified yung GSMAXX na mag-handle ng mga ganitong malalaking project.” Dagdag ni Konsehal Atty. Jimbo Maristela
Matatandaan na hindi sumipot ang kompanyang GSMAXX Construction nang ipatawag sa sesyon ng konseho noong Lunes sa ikatlong (3) pagkakataon. Ngunit matapos umano ang sesyon, pumunta ang Presidente ng GSMAXX na si Sammy James Sioson at nagkaroon umano ng kaunting pagpupulong kasama ang ilang mga Konsehal maging si Vice Mayor Nancy Socrates.

Nakatakda naman itong isalang sa gagawing Comittee Meeting upang makuha ang paliwanag ng kompanya patungkol sa usapin.

Exit mobile version