Tatlong lalaking nag-iinuman, nagsuntukan

Agad na romesponde ang Anti Crime Task Force Puerto Princesa (ACTF) sa isang convenience store sa Rizal Avenue lungsod ng Puerto Princesa, dahil sa report ng panununtok.

Kinilala ang tatlo na sina Rey Valero, 19 anyos; Jhon Jhon Velasco, 18 anyos; at Reymon Mavia, 19 anyos, parehong magkasama sa isang paupahan sa Sta. Mónica.

Ayon sa ACTF, nakatanggap sila ng tawag mula sa 911 na may nagaganap na gulo.

Nagsimula umano ang gulo dahil ginising ni Reymon si Rey at sinuntok ito habang nakaupo. Tinulungan pa ni Jhon Jhon na bugbugin si Roy dahil sa kalasingan hindi na nagawang manlaban ng biktima.

Dahil sa magkakasama ang mga ito sa isang bahay, hindi na rin nagreklamo ang biktima laban sa dalawa nitong kasama.
Exit mobile version