Tricycle Franchising Section aminado na mayroong hindi nakapag-renew ng kanilang prangkisa

Hindi na tatanggapin ng Puerto Princesa City Tricycle Franchising Section ang mga bago pa lang mag-aasikaso ng renewal ng kanilang prangkisa dahil tapos na ang ibinigay na palugit noong ika-31 ng Marso taong kasalukuyan.

“Lahat naman naramdaman natin [dahil sa] pandemic, kaya lang nag-extend na ng ilang buwan. Isang buwan lang nga dati ginawa na lang 2 buwan until March hanggang ngayon mayroon [parin ilang pumupunta sa tanggapan]” Ayon kay Rodel Muñoz, head ng Tricycle Franchising Section

Inihayag din ni Muñoz na nasa 50 na lamang umano ang hindi pa nakahabol sa extension at hindi pa nila maibibigay sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga nakapag-renew dahil patuloy ang kanilang pagbibilang partikular doon sa kasalukuyang nag-aasikaso ng kanilang prangkisa at Mayor’s Permit.

“Kaunti na lang din, wala narin 50 siguro kaya lang mayroon pa rin [na hindi napag-renew ng prangkisa] at ang mahirap diyan, yung 50 na yun pag hindi natin mapagbigyan nakakaawa rin kaya lang tayo kasi naka [base lang sa] extension,”

“Yung mga nakahabol ay on process pa yan kaya hindi natin mabilang kasama na yun sa bilang dahil yun nakahabol kaya lang on process pa. Kasi kada may pumunta pino-forward namin agad [sa mga iba pang opisina na pupuntahan ng kanilang dokumento],”

Kung sakaling mag-request pa rin aniya ang mga ito ng karagdagang palugit ay nasa kamay na umano ito ng Sanggunian Panlungsod kung pahihintulutan.

“Wala na [tatanggapin], syempre hindi kami [makapag-decide diyan]. Kung magsulat sila o mag-request sila sa Sanggunian kaya lang ewan ko lang kung pagbibigyan sila, kasi isang buwan lang sana ang ibibigay ay ginawa na lang dalawang buwan. Due process pa rin yun. Nasa kanila (City Council) na ang desisyon kasi gumawa na sila ng deadline,”

Base sa talaan ng Tricycle Franchising Section, may inilabas na kabuuang 6,250 na prangkisa para sa mga pampasadang tricycle sa Puerto Princesa. 5,339 na lamang dito ang active, kabilang na ang mga tricycle na mayroong special franchise.

Exit mobile version