TUPAD kick-off, isinagawa na sa 3rd dirstrict

Nagsimula na ang orientation ng bagong batch na binubuo ng 1,500 mga benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay ng Puerto Princesa City na benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program ngayong buwan ng Hunyo.
Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na naglalayong magbigay ng emergency employment, kasama ang suporta ng tanggapan ni Congressman Edward Hagedorn at ang City PESO.
Ito ay malaking tulong sa Ikatlong Distrito upang magkaroon ng dagdag kita para sa mga disadvantaged workers at mga magulang ng mga batang manggagawa (PCLs).
Ang TUPAD orientation ay naglalayong ihanda sila para sa kanilang trabaho sa loob ng 15 araw, kung saan tatanggap sila ng P5,325 na sahod bilang dagdag kabuhayan para sa kanilang mga pamilya.
Hinimok naman ni Congressman Hagedorn na suportahan ang mga programa at aasahan na marami pa darating na magpapaunlad sa Palawan.
Exit mobile version