Ang malaking paghahanda sa mundo ng Palakasan

Nagkaroon ng pagpupulong sa City Sports Complex  swimming pool area, sa pamumuno ni Atty. Gregorio Q. Austria, noong January 25, 2020.

Pinatawag nya ang mga sport na nakasali upang ipaalam na ang selection for PNG (Philippine National Games) at BP (Batang Pinoy) ay pwede na mag try out.

Ang mga nasabing sports na dadalhin ay ATHLETICS, ARCHERY, ARNIS, BEACH VOLLEY, BOXING, BADMINTON, CYCLING , CHESS , SWIMMING, TEAKWONDO, at eto ay maari pang madagdagan.

Pwede rin sumali ang mga batang OUT OF SCHOOL YOUTH (OSY), upang mabigyan rin sila ng opportunity makapaglaro at makasali.

Ito ay open sa lahat na mga kabataan na mayroong kalidad sa kanilang mga larangan para dalhin ang pangalan ng lungsod ng Puerto Princesa.

Dako naman tayo sa mundo ng TAEKWONDO EVENTS. Sa mga athletes natin from Puerto Princesa City, masasabi ko na competitive narin tayo lalo na sa KYUROGI (sparring) at ganon din sa POOMSAE (Forms) dahil sa ngayon, kumukuha parin ng pwesto ang PUERTO PRINCESA TAEKWONDO TEAM ng place sa MIMAROPA LEVEL, PALARONG PAMBANSA, BATANG PINOY and PHILIPPINE NATIONAL GAMES.

Kaya dapat pa nilang pag butihin pa lalo ang training nila. Dapat mag karoon palagi ng mga local competitions or tournament para mas tumaas ang antas ng experience ng mga manlalaro ng taekwondo dito sa lungsod.

Mas maganda din na makapag invite ng mga high quality coach na nagmula sa labas ng Puerto Princesa, tulad ng galing sa Manila or sa iba pang lugar, upang mag turo ng karagdagang kaalaman pa at mas mainam na magkaibang national coach ang magtuturo sa POOMSAE (forms ) at KYUROGI (Sparring).

Ito ay para maabot ang mataas na atas ng skills sa pag lalaro upang di mapag iwanan ng kaalaman at pwede na itong itapat sa national level, or di lang pang national, pwede narin pang international level.

 

Exit mobile version