COLUMN: Sapul kay Paul

Handa ba tayo sakaling sumiklab ang Ikatlong digmaang pandaigdig o WW3 sa pagitan ng mga bansang Iran at Amerika?

Wala na sigurong matinong tao ang magsasabing gusto natin na magkaroon ng ikatlong digmaang pandaigdig, marahil ilan din sa mga lolo’t lola natin ang sariwa pa sa kanilang mga ala-ala ang bakas na iniwan ng ikalawang digmaang pandaigdig noong 1945.

Kamakailan lang ng mapaslang ang top Commander General ng bansang Iran na si General Qassem Soleimani sa pamamagitan ng isang airstrike na isinagawa ng Amerika sa Baghdad.

Agad na kinundena ng Iran at tinawag na isang terrorist attack ang ginawa ng Amerika sa kanilang leader kung saan ay kasabay nito ang isang bantang paghihiganti at pagtaas ng pulang watawat sa kanilang Mosque na nangangahulugang gyera o handa na sa isang gyera ang kanilang bansa laban sa Amerika.

Sa isang press conference ay agad na dumipensa ang si US President Donald Trump at sinabing may pagbabanta ng pag atake sa kanilang embahada sa lugar kung kayat hindi na nila umano inantay pang mangyari ito at agad na pinasabog ang sasakyan ni General Soleimani at sinabing nakahanda sila sa anumang posibleng balik o ganti na isasagawa ng Iran.

Alam nating lahat na ang Amerika ay ang pinakamalakas o makapangyarihang militar sa buong mundo ngayon, habang ang Iran ay nasa ika labing apat na pwesto, nakahanda ba ang Iran? Nakahanda ba ang Amerika? Nakahanda ba tayong lahat?

Malayo ang Middle East sa Pilipinas, at mas malayo naman ang Amerika sa Pilipinas kaya kung ang paguusapan ay ang pagpapasabog o palitan ng mga powerful ballistic missile mula sa magkabilaang bansa ay medyo nakakaagwat tayo, pero alam nating lahat na ang magkabilaang bansang ito ay may mga Nuclear Power na maaaring gamitin at maaaring makaapekto sa mga kalapit na bansang nakapaligid sa kanila, mas posible rin na maging malala sakaling makisali o makikialam ang ilang mga bansang maaapektuhan ng kanilang digmaan sakaling mangyari ito.

Ang Pilipinas at mga Pinoy ay di maitatanggi na palaban din pagdating sa labanan pero sa kasalukuyang kapangyarihan ay ako lamang mismo sa aking sariling pananaw ay hindi pa tayo handa sakaling magkaroon man ng ikatlong digmaang pandaigdig, maaari tayong tumulong sa pamamagitan ng paglikas ng ating mga kababayan at pag bigay ng tulong medikal sa mga maaapektuhan na mga inusenteng sibilyan.

Maaaring hanggang doon nalamang ang ating maibibigay na tulong sa kung sino o alin mang bansa ang maaapektuhan at lalapit sa atin, posible rin tayong kumupkop pansamantala o tumanggap ng mga refugee na lalapit sa ating embahada upang matakasan ang digmaan.

Ngayon kaibigan, kailangan ko ang inyong opinyon, nakahanda ka ba? Nakahanda na nga ba tayo sakaling sumiklab ang WW3?

Exit mobile version