MA-RECOGNIZE SANA NATIN #Devoshare 050321

Minsan ‘pag humaharap tayo sa mga pagsubok, mga pangamba, at kung ano-anong alalahanin, natatabunan nito ang KALUWALHATIAN ng Diyos na sadyang mas DAKILA. Sa wikang aramaic, ang orihinal na salita ng mga Judyo sa Lumang Tipan, ang salitang KALUWALHATIAN ay KABOD. Ang ibig sabihhin nito ay may kabigatan at nararamdaman. Sa wikang greigo naman, ang salitang gamit sa bagong tipan, ang pagkakasalin nito naman ay MAKINANG o KUMIKINANG.

O nations of the world, recognize the Lord; recognize that the Lord is glorious and strong. (Psalm 96:7)

Nakita ko ‘yung tribute video ni Chirag Verma (https://youtube.com/user/chiragverma26), isang Indian artist, sa youtube video (see this video check https://youtu.be/Qa4MymSGJ) kagabi at may sumagi sa aking isipan. HIndi kaya sa mali tayo nakatingin? at Dahil doon hindi natin nakikita at napapansin na may himala, biyaya at pagpapala pa rin tayo sa Pilipinas na galing sa Diyos?

Mula sa datos ng DOH sa buong 1,700 isla na bumubuo ng bansa ang total na RECOVERY natin ay nasa 91.6%. Ito ay mahigit kumulang na 966.080 na tao na. Mayroon na lang tayong 71,472 o 6.8% na active cases. At ang pinaka DAPAT nating ipagpasalamat ay sa gitna ng pandemya na pumipilay at lumulumpo sa maraming bansa sa buong mundo, 17,431 lang ang casualties* natin. Hindi ko ikinasasaya at pinagdiriinan na dapat tayong maging masaya sa pagpanaw ng 1.65% ng mga nagkasakit. Ngunit kumpara sa ibang bansa tulad ng Italy, UK, Brazil, Russia, France, USA at India na umaabot sa daang libo ang nasawi, napakababa ng death rate natin sa bansa. Ang recovery rate natin sa kasalukuyang panahon ay 91.57. Ang active cases natin ay 6.77% na maaasahan ding gagaling.

Muli sa datos ng DOH 16% ng 45,395 ng na-test lamang ang nagpositibo at 96% ng mga nagpositibo ay MILD and ASYMPTOMATIC. OO, totoo na may mga malulubha ang kalagayan at ako mismo ay nananalangin para sa kanilang kaligtasan at kalakasan. Pero bakit hinahayaan natin na paralisaduhin ng takot ang ating puso at isip at hayaan na lasunin nito at apektuhan nito ang ating pagkatao? Base sa datos ng worldmeter, kitang kita ang kamay ng DIYOS na kumikilos sa kalagitnaan ng gulo na dala ng COVID at ng pandemya.

Sa Psalms 96:7, sa salita na ginamit pa lang nakapaloob na ang sagot sa ating pangungulila, pag-aalinlangan at pangamba at sa ating pagkalugmok sa kadiliman. Ang kailangan natin ay ma-RECOGNIZE ang KALUWALHATIAN o ang GLORY ng Diyos na ating sinasamba ng lahat ng alinlangan at kakulangan ay kanyang mapuno. Siya ang sagot sa ating mga kailangan. Siya ay si YAHWEH – the GREAT I AM.

Dalangin ko na bawat isa sa atin ay ma-RECOGNIZE na ang totoong kailangan natin ay ang presensya at KALUWALHATIAN ng Dios sa ating kalagitnaan. Kahit COVID hindi siya kayang pigilan. Nawa’y masaklawan ng ating puso at isipan na ang kaluwalhatian ng DIOS ay nararamdaman at nasisilayan. At ang kandyang kadakilaan ay maaasahan. Ano pa kayang kakulangan ang hindi niya kayang tugunan kung tayo ay lalapit sa kanya na may akda ng lahat at tiyak na nakakaalam ng lahat ng ating pangangailangan. Sabi nga ng sumulat ng Psalms, “The earth is the LORD’s, and everything in it. The world and all its people belong to him.” Ps 24:1. Ikaw, ako, tayo ay kanyang pinakamahalagang pag-aari. Mahalaga ang bawat isa sa atin sa kanya na ipinadala niya ang kanyang anak para sa tubusin tayo sa kasalanan. Kaya MARECOGNIZE sana natin ang kanyang kaluwalhatian na siyang kasagutan sa ating pangugulila at pangangailangan.

Exit mobile version