Una sa lahat, nagsisimula ang proseso sa pagpapagawa at paglagda ng seller at buyer sa isang notaryadong deed of sale patungkol sa lupa.
Pangalawa, sa loob ng 30 araw magmula ang petsa ng paglalagda at pagpapanotaryo ng nasabing deed of sale, isusumite ang nasabing deed of sale kabilang ang kopya ng mga identification documents ni buyer at seller sa Bureau of Internal Revenue o BIR upang magkaroon ng assessment ukol sa capital gains taxes, documentary taxes at percentage taxes na kailangang bayaran. Bukod dito kailangan din sa mga partido na makipag- ugnayan sa Assessor’s Office upang matukoy ang mga realty taxes o real estate taxes o amelyar ay bayad na rin.
Pangatlo, dito papasok ang mga kaukulang buwis ukol sa nabiling lupa. Kabilang sa mga buwis na kailangang bayaran ukol sa nasabing lupa ay ang mga sumusunod: capital gains tax, documentary stamp tax, percentage sales tax at realty taxes o amelyar.
Sa sandalinga mabayaran ang lahat ng kaukulang buwis hinggil sa nabiling lupa, ay magbibigay ang Bureau of Internal Revenue o BIR ng dokumentong tinatawag ng Certificate Authorizing Registration o CAR.
Sa bisa ng Certificate Authorizing Registration o CAR, isusumite ito sa Register of Deeds at Assessor’s Office, ay ganap nang makakansela ang tax declaration at titulo sa pangalan ng nagbenta, upang magkaroon ng panibagong tax declaration at titulo sa pangalan ng buyer.
Umaabot sa tatlo hanggang anim na buwan ang proseso.