Pagpapatuloy ng pag ensayo sa tahanan ay kailangan

Dahil sa nararanasan ng buong bansa, at nagkaroon ng enhanced community quarantine nang dahil sa COVID-19, lahat ng transaksyon at mga aktibidad sa lungsod ay nahinto, lalong lalo na sa mga atletang Palaweño natin na naghahanda sana na parating na mga regional at national games. Nahinto din ang parating na mga aktibidad tulad ng summer sports clinic na laging ginaganap taon-taon dito sa lungsod ng Puerto Princesa.

Habang ang mga atleta na nakatambay sa kanilang mga tahanan, ang mainam nilang gawin ay mag unat-unat palagi or stretching hangga’t wala pang mga sports activity sa lungsod ng Puerto Princesa.

Kung ikaw ay atleta ng arnis, pwede ka mag wasiwas ng stick at mag practice ng anyo or forms sa loob ng bakuran ng tahanan nyo. Sa mga atleta ng basketball, pwede namang mag practice ng pag dribble ng bola sa loob ng bakuran nyo. Kung ikaw ay atleta ng football, footsal, sipak takraw, volleyball, baseball, softball, at iba pang ball games pwede naman mag practice ng mag ball control, ball pass at practice ng foot works sa may bakanteng lugar ng inyong nasasakupan na bakuran.

Sa mga Taekwondo, boxing, Wushu, at iba pang mga martial arts or individual sports, pwede naman mag stretching, gawin ang foot works, basic punch and kicking. Mainam kung may mga sariling gamit kayo sa self-training, tulad ng kick pad, punching bags, at iba pang gamit. Sa mga walang gamit pwede naman gumawa ng sariling improvised na gamit upang makapag ensayo ng maayos.

Sa may mga forms competition tulad ng Taekwondo (Poomsae), Arnis (Anyo) at Wushu, pwede nila gawin ang mga nasabing forms ng bawat sports sa kani kanilang mga tahanan upang maipag patuloy nila ang pag sasanay at hindi tamarin at kanilang mga pangangatawan, at maging malusog at malakas parin sila para di makapitan ng sakit lalo na ang mga virus na kumakalat sa mundo.

Sa mga atleta sa lungsod ng Puerto Princesa, pwede din nila gawin ang pang araw-araw na work-out ang pag tulong sa kanilang mga tahan, tulad ng pagbubuhat, ang pag lilinis ng kapaligiran para naman sila ay pag pawisan at higit sa lahat ay naka tulong narin sa kani-kanilang mga tahanan.

Pag dumating ang panahon na pwede na muli mag training sa labas ng mga tahanan ang mga atleta ng Puerto Princesa, maipag- papatuloy na nila ang kanilang mga larangan ng hindi sila nahirapan dahil sila ay nag patuloy parin sa kanilang pag ensayo sa kanilang mga tahanan.

Exit mobile version