Si GAB Chairman Mitra at ang mga Gym sa Puerto Princesa

Nagpaunlak ng panayam si Games and Amusements Board Chairman Baham Mitra noong Agosto 13. Nagbigay siya ng impormasyon hinggil sa lagay ng Sports Industry lalo na ang propesyunal na sector. Ayon sa kaniya, unti-unti ang bumabalik ang ating basketball, boxing at football. Para sa akin, tama lamang na bigyan sila ng pagkakataon sa new normal dahil ito ang kabuhayan ng mga manlalaro. Kung sa mga normal na manggagawa ay may “No work, no pay”, sa mga propesyunal na atleta ay may “No play, No pay.”

Natuwa rin tayo sa paliwanag ni Chairman Mitra na marami pa rin tayong mga kababayan sa Palawan ang hindi pa rin naiintindihan kung ano nga ba ang silbi ng GAB, ilan nga daw sa mga mensahe nyang natanggap ay akala nagtatayo sila ng casino. Mayroon ding hinihingan siya ng uniporme sa liga, at pati mga coaches and referees ay may nag request din, pero ang totoo hindi nila sakop ang mga nabanggit dahil isang regulatory office lang ang GAB ng mga professional sports, iyong kumikita na ang mga manlalaro sa kanilang laban kaya marapat lang na makabalik sila, na paniguradong ikakatuwa ng mga sports fan na matagal ng nag aantay ng mga bakbakan sa palakasan.

Tama rin ang payo ni Chairman na sa panahon ngayon na marami pang bawal at dapat sundin, mahalaga na mapanatili ng mga atleta ang kanilang timbang . Totoo na mahirap ibalik ang sigla kung ikaw ay nanaba at siguradong sasakit ang katawan kung babalik sa ensayo at baka magkaroon ka pa ng injury.

May mangilan-ngilan ng FITNESS GYM dito sa Puerto Princesa ang nagbukas na, kung saan ginagawa at ginaganap ang pag pagpapalakas ng katawan at pagpapapawis, para manatili pa rin na malusog ang pangangatawan.

Sa loob ng isang fitness gym ay pwedeng tumakbo sa pamamagitan ng treadmill, ito ay isang makina na pwedeng gamitin sa pagtakbo habang ikaw ay nasa isang lugar lang at hindi na kailangan pang lumabas at tumakbo sa oval o sa tabing kalsada.

Sunod naman na makikita rito ang ibat ibang hugis at timbang ng mga bakal na pwedeng gamiting body weights, ang mga bakal na ito na may ibat ibang bigat at ginagamit para ma-develop ang mga muscle sa katawan.

Sa fitness gym, pwedeng magkaroon ng program kung ano ang iyong gagawin, tulad ng pagpapalakas ng mga binti, o pagpapalakas ng braso o ng stamina at kadalasan ang mga gym instructor ang siyang magbibigay sa iyo ng mga exercises na susundin mo.

Tandaan lamang na sa pag punta sa mga fitness gym, kailangan nasa hustong edad at naayon sa batas ng IATF na pinapayagang lumabas at makapag work out. Maliban dito, dapat sumunod din sa  public health standards tulad ng pagsuot ng mask, face shields at pagsunod sa social distancing na siyang importante kung kaya karamihan sa mga gym na ito ay limitado lamang ang pwedeng gumamit, upang magawa nang maayos ang programa at guide lines na iyong gagawin sa pagpapalakas ng katawan.

Exit mobile version