Kusang-loob na sumuko ang pitong New People’s Army (NPA) sa Occidental Mindoro Police nitong Abril 14, sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ang mga nasabing CTGs ay isinailalim na sa debriefing and determination upang mabigyan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Sa datos ng Police Regional Office-Mimaropa, mula January 1 hanggang April 17, 59 na CTGs na ang sumuko sa pamahalaan.
Nagpasalamat naman si Police Brigadier General Sydney Hernia sa matagumpay na operasyon ng mga kapulisan at patuloy na koordinasyon at paghihikayat sa mga communist terrorists na sumuko na sa pamahalaan.