Ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police – Provincial Explosive Ordnance Disposal, at Canine Unit (PECU) Palawan, ay nagsagawa nang 2-Day Bomb Threat Management at Improvised Explosive Device Seminar noong Marso 3 hanggang 4, taong kasalukuyan sa loob ng IPPF.
Kung saan 55 na partisipante mula sa iba’t-ibang sub-colonies ng IPPF. Kabilang na ang mga kababaihan na ipinagdiriwang ang National Women’s Month.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Deputy Superintendent for Security and Operations, Correction Chief Inspector Gary Garcia na sinamahan ng Philippine National Police – Provincial Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit (PECU) Palawan sa pangunguna ni Police Lieutenant Navien O. Aquino, PNP (Ret.) at Police Lieutenant Jim M. Dalendeg JR, PNP EOD Palawan Team leader.
Layon ng naturang aktibidad na magkaroon ng kaalaman o ideya ang mga partisipante kung paano resolbahin ang nakaambang panganib. Sa loob ng dalawang araw na seminar iba’t-ibang klase ng bomb threat management ang natutunan ng mga partisipante sa loob ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF).