Outdoor Military Exercise ng Philippine – United States Kamandag 2022, isinagawa sa 2 Barangay ng Puerto Princesa

PDN Stock Photo

Positibo ang resulta ng isinagawang outdoor Military Exercise ng mga kalahok mula sa bansang Pilipinas at Estados Unidos, para sa  Kamandag 2022.

Matatandaang anim na taon nang isinasagawa sa bansang Pilipinas ang Philippine- United States Military Exercise KAMANDAG 2022 na pinasimulan nitong nakalipas na ika- 3 ng Oktubre at magtatapos ngayong ika- 13.

Sa isinagawang outdoor military exercise  KAMANDAG kaagapay ng Mandirigma ng Dagat Operations sa Barangay Inagawan Sub ang unmanned aerial system  at sa Barangay Kamuning ang small boat operations.

Naging layunin ng aktibidad ang maipakita ang kakayahan ng bawat isang sundalo para sa kanilang natatanging mga kaalaman at abilidad, hindi lang sa tactical operations at special operations kundi  maging sa combined interoperability events with maritime awareness at coastal defense kung saan magagamit ang kanilang mga drone sa operations at panahon ng kalamidad o disaster.

Ayon kay Captain Miguel Bayudan PN(M) officer in-Charge taunan nang  isinasagawa ang counter parts ng USMC sa Palawan bukod pa sa mga bansang na ang kalahok ay pawang mga Japan at Korea Marines ngunit ito naman ay nakabase sa ibang lugar, at may mga partisipante sa Cavite, Cagayan, Batanes Subic, at Tarlac na sabay-sabay ginawa ang KAMANDAG 2022.

Sinabi ni Capt. Bayudan, ” Malaki ang pakinabang po nito, aside sa mga subject matter experts natin ay nag exchange po talaga kami ng knowledge (kaalaman), hindi naman po lahat ng capabilities pwede nila maituro sa atin (at) and binibigay din po natin sa kanila ang (kaalaman)”.

Exit mobile version