Inaasahang mas lalo pang magiging masigasig sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard matapos itong pagkalooban ng mga bagong new land mobility assets.
Isinagawa ngayong araw, ika-13 ng Enero 2023, ang turnover at blessing ceremony ng 31 new land mobility assets sa National Headquarters, Port Area, Manila na pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu.
Ang mga bagong biling assets ay gagamitin ng iba’t ibang staff offices, major commands, units, at coast guard districts upang dagdagan ang pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin.