Philippine Navy Chief, bumisita sa mga tropa sa WPS

 

Bumisita ang Flag Officer In Command ng Philippine Navy (FOIC, PN) na si Vice Admiral Toribio D Adaci Jr PN sa ibat-ibang island stations sa West Philippine Sea (WPS) nitong  nagdaang Linggo, Marso 19.

 

Nagtungo din ito sa Naval Forces West (NFW) at sa mga marino na naka base sa istasyon ng  Pag-asa, Parola, at Likas Islands.

 

Pinangunahan din ng opisyal ang pagpapasinaya  at blessing sa bagong gawang gusali ng administrative at research building ng Parola at Likas Stations.

Nakipagpulong din ito sa mga kasundaluhan at pinuri ang mga sakripisyo ng mga ito sa iba’t-ibang island stations partikular ang Philippine Navy ships at aircrafts na nakabase sa Kalayaan Island Group, nakatanggap rin ang mga ito ng rekognasyon mula sa opisyal para sa kanilang responsibilidad sa kanilang trabaho bilang mga tagapagtanggol sa western frontier.

Exit mobile version