Chistmas Party para sa mga estudyante, ipinagbabawal – City DepEd

Hindi pinapayagan ng Puerto Princesa City Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng anumang Christmas Party sa mga estudyante partikular na ang Virtual Christmas Party, ayon kay Gina Francisco ng City DepEd.

“Sa ngayon po wala po tayong masyadong Christmas party for online learners natin kasi nga syempre wala nga pong face-to-face…hindi rin po namin pinahihintulutan yung mga virtual Christmas parties para sa mga estudyante,” pahayag ni Francisco.

Inamin din nito na sa City DepEd Division Office ay meron silang Christmas Party, subalit virtual lamang ito gagawin kung saan hindi pinapayagan ang pagsasama-sama at mahigpit na ipapatupad ang pagsunod sa Health Protocols.

“Actually sa City DepEd po, sa division office, meron po kaming Christmas Party pero wala po kaming gatherings virtual lang po, Virtual Christmas Party. Although na nasa isang place lang po kami, sa isang office lang po kami… Gagamit po kami ng online platform para ma-celebrate po ang Christmas tapos meron din pong mga palabas [o] program pero virtual lang po ibig sabihin hindi po kami magsasama-sama… at sumusunod sa Health and Safety Protocols ng IATF.” muling pahayag ni Francisco.

Samantala, kasalukuyan nagsasagawa ng training ang mga guro sa lungsod para sa susunod na kwarter.

“Sa panahon po ngayon ay nagcoconduct tayo ng mga trainings po para sa mga teachers po natin, ang tawag po natin dun ay INSET (In-Service Training). Kinoconduct po namin yun for 5 days para in preparation po para sa pagpasok ng 2nd quarter,” dagdag na pahayag ni Francisco.

Exit mobile version