Guro, ibig magbukas ng book community pantry

Bookery

Sa halip na mga pagkain, mga aklat ang nais ipamahagi ng isang guro ng Puerto Princesa City National Science High School (PPCNSHS) sa ibig niyang bubuksang community pantry na tinawag niyang “The Bookery Project.”

“We don’t just feed our stomach to live; we also need to feed our minds with knowledge,” ayon sa Special Science Education Teacher 1 na si Kester Badenas sa kanyang post kamakailan.

Aniya, layon ng proyekto na tulungan ang mga  Puerto Princesan learner na magkaroon ng mga reading material o  learning resources na makatutulong sa kanila ngayong new normal.

Sa hiwalay na panayam naman ng Palawan Daily News team kay teacher Kester, tinuran niyang sa ngayon ay nangangalap pa siya ng mga aklat mula sa mga donor at nananawagan sa publiko na suportahan ang kanyang “The Bookery Project” na ang layunin ay similar sa lumalaganap na konsepto ng Maginhawa community pantry.

“This is to help our learners to appreciate that ‘reading is a fundamental skill,’ and it starts in just reading a book,” ayon pa kay Badenas.

Sa ngayon ay hirap pa aniya siyang makagalaw dahil kasama sa critical zones ang kanilang barangay ngunit plano niyang oras na lumuwag na uli ay itatayo niya ang book pantry na plano niyang ilagay sa  bahagi ng Robinson’s Mall o sa Caltex Junction 3; bagamat bukas din umano siya sa suhestyon ng iba.

“I saw a post po kasi in other provinces po na meron ding community pantry pero books po ang nakalagay. So, since I am a teacher and privilege po kami kasi may online classes po kami, naisip ko po na maglagay din sana sa Puerto Princesa,” ani Badenas.

Tinawag umano niyang  Bookery Project ang proyekto mula sa mga salitang Ingles na “book” + “bakery/cookery” na ang goal ay i-promote ang pagbabasa sa pamamagitan ng ibibigay nilang mga reading materials at learning resources sa mga mag-aaral sa lungsod.

“I believe that reading is a fundamental skill. It is important that a household have books to read. In our present situation that we are living that internet almost have the information that we need, we should still rely on books because of its credibility and reliability. We are not sure of what we have in the internet. If we have books, at least we are sure of what we are reading and we can refrain ourselves from misinformation and disinformation,” tugon pa ni teacher Lester.

Exit mobile version