Gubat sa batong apog: kahalagahan at kagandahan

Ngayong National Environmental Awareness Month, ang mga gubat sa batong apog, tulad ng matatagpuan sa Lipuun Point kung saan naroon ang Tabon Cave Complex, ay natatanging ekosistemang nabuo sa paglipas ng panahon.

Ang prosesong ito ang lumikha ng masalimuot na sistema ng mga kuweba na makikita ngayon, na bahagi ng sinaunang Sunda Shelf.

Dahil sa pagkatunaw ng batong apog. Dahil sa mataas na calcium sa lupa, Hindi karaniwan ang matataas na puno dito, ngunit pinupuno ng mas maliliit na puno at halamang gamot ang mga bitak at siwang ng bato. Ang mga puno rito ay karaniwang may maiikli at di-regular na katawan at malalawak na sanga.

Limitado ang mga halamang tumutubo rito, ngunit nagbibigay ito ng tirahan sa mga kakaibang uri ng hayop at halaman na sanay sa ganitong kalagayan.
Kung nais maranasan ang ganda ng mga ganitong gubat, maaari bumisita sa El Nido-Taytay Managed Resource Protected Area o sa Puerto Princesa Subterranean River National Park.
Exit mobile version